- English
- Tagalog
Ang Lungsod ng Calamba ay isang unang klaseng lungsod sa lalawigan ng Laguna, Pilipinas. Ito ay nasa layong 54 kilometro sa timog ng Maynila, at isang oras ang layo kung sasakay ng bus. Ang Calamba ay sikat na lugar panturista dahil sa mga hot spring resort, na karamihan ay nasa barangay Pansol, at sa Canlubang Golf and Country Club. Isa rin ang Calamba sa mahalagang sentro ng industriya sa rehiyong CALABARZON dahil sa dami ng mga liwasang pang-industriya at pang-komersyo sa lungsod. Ayon sa senso noong 2000, ang populasyon ng lungsod ay 281,146.
Tanyag ang lungsod ng Calamba lalo na sa kasaysayan pagkat dito isinilang ang pambansang bayani ng Pilipinas, si Dr. José Rizal
Kamakailang komento: